Pinoy Panawagan

Atty. Lou Tancinco answers your immigration questions on Pinoy Panawagan.

3 Comments on this post.

Leave a Reply

*

*

  • Maria
    14 November 2013 at 4:56 pm - Reply

    Dear Atty. Tancinco
    Second letter ko na po ito sainyo. Tungkol po sa anak ko na naiwan pa sa Pilipinas. Siya po ay adopted ng lolo nya noong 15 years old palang siya. Taon 1989 po noong inadopt siya, at noong naaproved yung adoption penitetion siya agad ng kanyang lolo, kaya lang na deny po siya sa interview. Dahil po sa kulang daw ng parental control ang mga lolo at lola nila. Taon 1998 naman nag immigrate dito sa US ang biological father nya kasama lahat ng mga kapatid nya pati na lahat ng mga uncles, aunties at mga cousins. After six months nag file ng petition ang biological father nya para sa anak ko, single pa lang ang anak ko noon at green card holder palang ang asawa ko. After five years nag US citizen naman ang asawa ko at nag pakasal ang anak ko after ng citizen ang father nya.
    Noon pang january, meron pong dumating na checklist ang anak ko at pinababayad na sila ng affidavit of support at visa fee kaya lang di kasama sa ang name ng asawa nya at anak nyang bunso. Hindi po itinuloy ang pag bayad dahil gusto namin malaman kung dapat ba naming ituloy ang pag pa-process ng visa nila. Dahil pag nakapag bayad ka na, di na mare-refund pa uli ang mga fee na binayad namin. Atty, tulungan nyo po kami kung ano gagawin namin, kung itutuloy ba namin ang pag bayad? Kasi mag one year na po nitong jan. next year ang papers nila. Atsaka meron po bang bisa ang petition ng asawa ko sa anak ko, kahit adopted na siya ng lolo nya. At kung na deny ang visa ng anak ko sa petition ng lolo nya, paano siya makakapunta dito kung wala ng rights papa nya sa kanya? Pls. Atty. tulungan po nyo kami bago matapos ang taon naito. Marami pong salamat.

  • Chona
    16 November 2013 at 3:24 pm - Reply

    Attorney Tancinco,

  • Chona
    16 November 2013 at 3:38 pm - Reply

    Hello Attorney Tancinco,
    I am a US citizen and I petitioned my husband last May 30, 2012. Na interview na po sya nitong September 9, 2013 pero until now hindi pa rin po namin alam ang result. Kinuha na po nila sa US embassy lahat ng requirements sa asawa ko. Nuong araw ng interview nya pinababalik sya ulit sa US embassy. Tapos nung bumalik sya sinabi sa kanya ng isang worker na hindi nya po kailangan bumalik at sinabi sa kanya na mag antay na lang po sya ng result. Tumawag na rin po ang asawa ko sa US embassy pero sinabi na mag antay na lang po sya. Gaano po ba katagal i process ang result ng interview? Worry lang po ako kasi baka maexpire ang petition. Two months na po ngayon pero wala parin result. Ano po ba ang dapat namin gawin?
    Thank you!

  • POPULAR POSTS